Punuan na ang halos lahat na jail facilities sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Mark Malhabour, spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology Region 6, sinabi nito na congested ang 31 sa 39 na mga kulungan sa rehiyon.
Ayon sa data ng opisina, nasa 8,513 ang Persons Deprived of Liberty sa rehiyon as of July 4,2023 kung saan 258% na mas mataas sa maximum capacity ng mga pasilidad.
Ayon kay Atty. Malhabour, isa sa mga hakbang ngayon ay ang pag-apela sa mga local government units na mag-donate ng lote para makapagtayo ang ahensya ng karagdagang pasilidad.
Maliban dito, may koordinasyon din ang para-legal service section sang ahensya sa korte na may hawak ng mga kaso ng Persons Deprived of Liberty para mapabilis ang kanilang mga hearing.
Napag-alamang 54% ng mga Persons Deprived of Liberty sa rehiyon ang may kaso na kaugnay sa iligal na droga.