-- Advertisements --

Sugatan ang 31 katao matapos ang naganap na aksidente sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng San Fernando, Pampanga nitong umaga bisperas ng Kapaskuhan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa parehas na direksyon ang mini bus at Asian Utility Vehicle (AUV) ng mawalan ng kontrol ang minibus at bumangga sa AUV.

Dahil dito ay nawalan ng kontrol ang minibus at nahulog sa bahagyang may lalim na gilid ng kalsada.

Itinuturing na self-accident matapos umano na nakarinig ng ingay sa makina ang driver.

Dinala naman sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima.

Sa 31 na biktima ay 29 dito ay pasahero ng minibus habang dalawa dito ay mga lulan ng AUV.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.