Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng panibagong 20,336 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa kabuuan ang dinapuan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay umabot na sa 2,324,475.
Samantala mayroon namang naitalang 10,028 na gumaling.
Ang mga nakarekober ay umaabot na sa 2,100,039.
Gayunman marami naman ang naitalang bagong pumanaw na umaabot sa 310.
Ang death toll ay nasa 36,328 na.
Marami pa rin naman ang mga aktibong kaso ngayon na umaabot sa 188,108.
Habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS)
“53 duplicates were removed from the total case count. Of these, 41 are recoveries,” ayon pa sa DOH. “Moreover, 176 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on September 15, 2021 while 4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 4 non-reporting labs contribute, on average, 0.7% of samples tested and 0.6% of positive individuals.”
Sa ngayon ang mga ICU beds occupancy sa buong bansa ay nasa 77 percent na.