-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 318 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Gayunman umabot sa 26 na mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa DOH.

Sa naturang bilang nasa 12 ang hindi operational dahil sa holiday break nitong weekend at ang ilan ay apektado ng nagdaan kalamidad.

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 28 labs na ito ay humigit kumulang 9.5% sa lahat ng samples na naitest at 6.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi ng DOH advisory.

Sinasabing nasa ikalimang sunod na araw na ngayon na tumataas ang positivity rate at active cases sa bansa na tinatamaan ng virus na nasa 2.2 percent.

Subalit inaasahan na raw ito ng mga eksperto dahil sa kakaunti ang nagpapa-test.

Sa ngayon ang kabuuang COVID cases sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 2,838,792 na.

Mayroon namang naitalang 255 na mga gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 2,778,002.

Meron namang nadagdag na 11 mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 51,211 na.

Habang ang mga active cases ngayon o mga pasyente ay nasa 9,579.