Kinumpirma ngayon ng Department of Helath (DOH) na ang mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus na sa ngayon ang pinaka-common na lineage sa mga COVID-19 samples na dumaan sa genome sequencing sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, 319 Delta variant cases ang naitatala noong Setyembre 18, o kabuuang 3,027 o 24.16 percent ng 12,530 sequenced samples.
Sa 319 na bagong Delta variant cases, 40 dito ang sa Region 2, habang ang Caraga naman ay mayroong 31 cases.
Ang Calabarzon ay nakapagtala ng 26 cases, habang ang Region 1 at NCR ay kapwa mayroong 24 cases bawat isa.
Aabot naman sa 18 cases ang na-trace mula sa mga returning overseas Filipinos.
Sa kabilag dako, sinabi ng DOH na ang Beta at Alpha variants naman ay 21.82 percent at 19.64 percent ng mga naitalang kaso.
Dalawang samples o katumbas ng 0.02 percent ang positibo sa Gamma variant, habang isa naman ang Lambda variant.