-- Advertisements --

Nagkasundo ang mga organizers ng 31st Southeast Asian Games (SEAG) na gawin ang nasabing palaro sa Mayo 2022.

Ang nasabing desisyon ay isinagawa matapos ang ginawang pagpupulong ng SEAG Federations.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na isasapinal pa ng Vietnam ang nasabing petsa sa mga susunod na pagpupulong.

Dagdag pa nito, desidido rin ang Cambodia na isagawa na ang laro dahil sa kanilang bansa rin ang susunod na gaganapin ang SEA Games sa taong 2023.

Dahil dito, magkakaroon lamang aniya sila ng maliit na panahon para makapaghanda.

May ilang pagbabago sa SEAG gaya ng pagbawas sa mga laro na mula sa dating 54 noong 2019 nang gawin sa Pilipinas ay magkakaroon na lamang ng 40 at mayroong 520 events mula sa dating 530.

Magugunitang itinakda sana sa buwan ng Nobyembre ang SEA Games subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay ipinagpaliban ito.