-- Advertisements --

cartrain

Umakyat na sa 32 ang bilang ng mgabumibiyaheng newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3, matapos na tagumpay na maideploy ang mga ito sa mainline.
Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na dumaaan sa masusing quality at speed tests upang masigurong ligtas patakbuhin ang mga bagong overhauled light rail vehicles na ngayon ay nakapagseserbisyo na ng mga pasahero .

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Nananatili ring nasa 30% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o bagon o 372 na pasahero kada train set.
Mahigpit din ang pagpapatupad ng “7 Commandments” kontra COVID-19 sa loob ng train.

cartrain2

Samantala, naikabit na ang nasa 573 pieces na bagong fiber-reinforced foamed urethane (FFU) sleepers sa depot, na ginagamit pangsuporta sa mga bahagi ng tracks na may kailangan nito.

Pinalitan ng newly installed FFU sleepers ang mga luma nang wooden sleepers sa depot tracks, na nagiging sanhi noon ng lubusang pagkatagtag ng mga tren, bagay na nakapagdudulot ng problema sa mga sensitibong piyesa nito.

Ang mga FFU sleepers, na ginagamit pangsuporta ng mga switches, turnouts, at crossings, ay gawa sa synthetic material, kaya’t mas matagal ang lifespan at less prone din sa weathering.

Matatandaang nakompleto na rin ng pamunuan ang rehabilitasyon ng main line tracks noong nakaraang Holy Week maintenance shutdown, matapos mapalitan ang mga natitirang turnout sa linya.

Sa pagkakakompleto ng FFU sleepers installation sa depot tracks, mas matitiyak ang swabeng operasyon ng mga tren mula main line hanggang sa depot nito.