CENTRAL MINDANAO-Binayo ng malakas na hangin at ulan ang isang Barangay sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO-Maguindanao) na tumama ang buhawi sa Barangay Lower Taviran Mother Kabuntalan Maguindanao.
Dahil sa lakas ng hangin umaabot sa 32 kabahayan ang nasira at dalawang residente ang nasugatan.
Sinabi ni Mother Kabuntalan Maguindanao MDRRMO, Mindato Malasigan Pitong bahay ang Totally damaged habang nasa 25 na bahay naman ang Partially damaged kabilang na ang Barangay Community Center.
karamihan sa mga bahay ay natuklap ang bubongan habang ang iba ay winasak pati ang mga pader.
Nananawagan ngayon si MDRRMO Mindato Malasigan sa Maguindanao Provincial Government at BARMM Government na matulungan ang mga apektadong residente na pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag anak.
Nagpaabot na ng inisyal ang LGU-Mother Kabuntalan sa mga apektadong pamilya.