-- Advertisements --
MS Roald Amundsen

Kabilang ang 32 Filipino crew sa mahigit 40 mga pasahero at crew ng luxury cruise liner ang nagpositibo sa COVID-19 sa Norway.

Patuloy na nagsasagawa ng tracing ang mga otoridad kung ilang pasahero ng MS Roald Amundsen ang nadapuan virus.

Unang nakitaan ng sintomas ng virus ang apat na crew kaya sila ay dinala sa pagamutan pagdating sa Tromsoe port.

Lumabas din na nagpositibo rin sa virus ang 32 sa 158 na staff.

Habang naka-quarantine ang barko ay pinayagan ng mga otoridad ang 178 na pasahero na bumaba matapos na sila ay dumaan sa pagsusuri.

Ayon sa Norwegian Institute of Public Health (FHI) inaasahan na nila ang pagdami pa ng mga infections.

Nakatakdang umikot sa British Isles ang nasabing cruise sa buwan ng Setyembre.