-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot sa 32 kabahayan ang na-abo sa malaking sunog kahapon sa may P-7, Amakan, Barangay Fort Poyohon nitong lungsod ng Butuan na nagsimula dakong ala-1:15 ng hapon.

Ayon sa City Social Welfare and Development o CSWD-Butuan, nasa 37 mga pamilya o 126 na mga indibidwal ang na-apektuhan sa sunog na karamihan ay walang nadalang mga gamit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahil gawa sa mga light materials ang naturang kabahayan.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire and Protection o BFP-Butuan at City Disaster Risk Reduction and Management Office-Butuan at nadeklara ang fire-out pasado alas-tres na ng hapon.

Wala namang naitalang sugatan o kaya’y namatay sa insidente.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP-Butuan upang malaman ang kabuu-ang danyos nito.