BUTUAN CITY – Iniulat ng Department of Health (DoH) Center for Health Development-Caraga na umabot sa 39 ang mga positibong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) variants of concern ang kanilang naitala ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 32 nito ang mga Delta variant, tig-tatlo naman ang mga Alpha at Beta variants at isa ang P.3 Variant.
Ito’y resulta mula sa mga samples na ipinadala nito pang Agusto sa University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC).
Base sa area of distribution, ang Delta cases na na-detect ay mula sa Agusan del Norte, pito; Agusan del Sur, walo; Surigao del Sur, 12; Surigao del Norte, 1 at apat sa Butuan City.
Sa tatlong kaso ng Alpha variant, dalawa rito ang naitala sa Butuan City at isa mula sa Rosario, Agusan del Sur.
Sa tatlong mga Beta cases naman, dalawa ang naitala sa Cabadbaran City at ia sa Bislig City habang ang isang P.3 variant case ay naitala dito sa Butuan City.
Sa kasalukuyan, 87 percent o 34 sa mga kaso ang nakarekober na, 5-porsiento o dalawa ang may mild symptoms at walong porsiyento o tatlo ang namatay at dalawa rito ang Delta variant cases habang isa ang Alpha variant case.