-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patong patong nga kaso ang haharapin ng 32 kalalakihan matapos mahuli sa isinagawang raid ng special operations group ng Davao City Police office dahil sa pagsasagawa ng illegal na sugal na fish fighting Reyes Street Ponciano Barangay 4-A lungsod ng Dabaw.

Inihayag ni Davao City Police Office (DCPO) spokesperson Capt Rose Aguilar, mahigit isang buwan ring isina-iallim sa surveillance ang lugar matapos makatanggap ang mga otoridad ng reklamo mula sa isang concerned citizens.

Narecover mula sa nirondang lugar ang walong maliliit na aquariuim na mayroong laman ng ibat-ibang klase ng isda, mahigit P30,000 na sugal at mga tropiyo ng fish derby.

Pero itinanggi ni OScar Shan Reyes – kinilalang match maker na sangkot sila sa illegal na sugal at ikinatwiran na nakahiligan lamang niyang mag-alaga at magparami ng ibat-ibang klase ng mga fighting fish at hindi niya alam na mayroong sugal na nagaganap.

Mahaharap sa mga kasong violation ng PD 1602 o pagppataw ng mas istriktong parusa ng illegal gambling at RA 11332 o mandatory reporting of notifiable of disease & Health events of public health concern act.