-- Advertisements --

Nasa 32 katao raw ang namatay sa Bohol dahil sa pagtama ng bagyong Odette sa naturang probinsiya.

Ito ang kinumpirma ni Anthony Damalerio, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon kay Damalerio, sa ngayon ay nararanasan pa rin ang total blackout sa probinsiya pero puwede nang daanan ang lahat ng mga kalsada.

Nananawagan naman ito na kung maari ay mapadalhan sila ng relief goods at assistance na ipapamahagi sa mga apektadong residente ng probinsiya.

Una rito, may mga residenteng na-trap sa bubungan ng kanilang mga bahay ang nailigtas na habang malala namang napinsala at nasira ang ilang establisimiyento dahil sa pagbaha.

Sa ngayon, nasa 32,390 daw ang mga pamilyang inilikas o katumbas ng 59,860 na indibidwal.

Nasa ilalim na ng state of calamity ang Bohol matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.