-- Advertisements --
Patay ang 32 katao matapos na tamaan ng Russian missile ang kabahyan sa Sumy City sa Ukraine.
Ayon sa Interior Ministry ng Ukraine, kabilang sa nasawi ang dalawang bata.
Nasa 90 katao naman ang sugatan na kinabibilangan din ng 11 bata.
Nangyari ang insidente habang nagtitipon para sa church services sa Palm Sunday.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na gumamit ng ballistic missiles ang Russia na dapat ay aksyunan na ito ng buong mundo.
Nagpaabot naman ng pagkondina si US special envoy to Ukraine na si Keith Kellogg ukol sa ginawa na ito ng Ukraine.