-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat pa ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa bansang Singapore.

Sa mahigit 20,000 tinamaan ng virus sa naturang bansa, iniulat ni Jembert Uraya, Bombo International correspondent sa Singapore na 74 sa mga ito ay mga Pilipino.

Aniya, nakalabas na rin sa ospital ang 32 sa mga ito matapos magnegatibo na sa coronavirus.

Nilinaw din niya na sa 20 na mga namatay, walang Pinoy na kabilang dito.