-- Advertisements --
jeep gensan accident

GENERAL SANTOS CITY – Makaapat na beses umanong sumirko sa ere ang isang jeep hanggang mahulog ito sa talampas na nasa Purok Balakayo, Barangay Olympog, General Santos City matapos nawalan ng preno na nagresulta sa pagka-ospital sa 32 mga biktima.

Ayon kay Purok Chairman Rogelio Paglinawan ng Purok Balakayo, Olympog, accident prone area ang pinangyarihan ng insidente dahil marami ng sasakyan ang nahulog sa nagdaang linggo.

Kabilang na raw dito ang isaang namatay matapos mahulog din ang motor sa bangin.

Dagdag pa ni Paglinawan, nagmula umano ang mga biktima sa Sanchez Peak isang tourist destination sa lungsod at doon natulog.

victim family gensan

Nalaman na mga estudyante na edad 16 hanggang 18-anyos ang biktima na pawang mga residente ng Polomolok.

Ang mga ito ay dinala sa Dr. George Royeca Hospital matapos magtamo ng mga galos ang mga parte ng katawan.

Nalaman na nawalan ng preno ang jeep na minaneho ng mismong may-ari na nagngangalang Francis Jade Solisito, 24, residente ng Polo, Polomolok, South Cotabato.

Kabilang din sa nadisgrasya ang asawa ng driver na ginagamot ngayon sa ospital.

jeep accident gensan