-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nasa 32 tribu at grupo ang nagpasiklaban para sa judging day ng Sadsad Ati-Atihan contest ngayong araw sa bisperas ng kapistahan ni Senor Sto. Nino de Kalibo.

Naging makulay at masaya ang paghataw ng pitong tribu na kalahok para sa tribal big category, pito rin sa small category habang walo sa kategoryang balik ati at 10 sa modern category.

Labingwalong contingents ang nagmula sa mga bayan ng Makato, Malinao, Banga, Numancia at Lezo at 14 naman ang mula sa bayan ng Kalibo.

Mahigit sa 4,000 mga drummers at dancers ang kasali sa Sadsad Ati-Atihan contest ngayong taon.

Ang street dancing competition ay isa sa mga cultural highlights ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan festival at ang mga kalahok ay lumilibot sa mga pangunahing kalye sa bayan ng Kalibo.

Pawang gawa sa indigenous materials ang makukulay na costume ng mga kalahok habang ang buong katawan ng mga dancers ay pinahiran ng uling.

Nasa P1.7 milyon ang paghahatian ng mga mananalong tribu, grupo gayundin sa individual contest na iaanunsyo bukas ng gabi sa Magsaysay Park.