-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umaabot na sa 323 ang dengue cases ang naitala sa GenSan mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2019.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo GenSan ni Dr. Lalaine Calonzo ng City Health Office dito sa lungsod.

Ayon kay Calonzo, 66% ito na mas mataas kumpara sa parehong period noong 2018 na mayroon lamang 195 na naitala.

Gayunman, sa ngayon ay wala pa napapaulat na nasawi sa lungsod dahil sa dengue.

Kaya ayon kay Calonzo, patuloy ang panawagan ng CHO sa publiko na gawin ang lahat ng mga hakbang para makaiwas sa nasabing nakamamatay na sakit.

Samantala, nagpapatuloy ang pagbabakuna ng CHO kaugnay kaugnay naman ng tigdas.

Nasa 89% na ang nabakunahan sa 26 barangay sa lungsod.