-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang pagtaas ng tubig habang dumarami ang bilang ng nasawi at nawawala sa nangyaring pagbaha sa bansang Brazil.

Ayon kay Bombo International Correspondent Gerard Macapagal na pinasok ng tubig ang 325 na syudad sa 400 na syudad sa Brazil.

Sinabi nito na swerte ang kanyang pamilya dahil nasa mataas na lugar ang kanilang tinitirhan habang sinabi nito na wala namang Pinoy na nadamay sa nasabing baha.

Anim na araw umanong walang tigil ang pag-ulan sa nasabing bansa kaya ‘t mahigit sa limang metrong tubig ang pumasok sa mga bahay, mall at mga malalaking building doon.

Bago umano nangyari ang pagbaha inanunsyo umano ng Gobernador na pumunta sa mataas na lugar dahil parating ang bagyo.

Mahigit sa 700,000 residente na ang nawalan ng bahay at nakisilong sa evacuation center.

Habang gumamit na ng helicopter ang gobyerno para maihatid ang tulong sa mga residente.

Hindi bababa sa 80 katao ang patay at inaasahang madagdagan pa dahil marami pa ang missing.