Nanindigan ang Commission on Election na hindi sapat ang 32 milyon na boto para mapigilan ang impeachment kay Vice President Sara Duterte
Sinabi Commission on Elections (COMELEC) George Erwin Garcia na hindi magagamit ni VP Sara Duterte ang kanyang mandato upang pigilan ang impeachment process laban sa kanya kahit na siya ay nakatanggap ng 32M na boto sa Eleksyon 2022, ito ang pinakamaraming boto na naitala sa isang elected official.
Sa ilalim ng konstitusyon, ang impeachment ay ang pagtanggal lamang ng opisyal sa gobyerno. Ito ay hindi awtomatikong pagtanggal sa opisina dahil ay dadaan pa ito sa pagsisiyasat sa Senado.
Matatandaan na kinakaharap ngayon ni VP Sara Duterte ang dalawang impeachment complaints na nasa House of Representatitives na. Ayon sa mga complaints, si VP Sara Duterte ay nagpapakita ng betrayal of public trust dahil sa kanyang umano’y maling paggamit ng 612.5M na confidential funds. Patuloy itong tinantanggi ng bise-presidente.