-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang ginang matapos na ito ay gahasain at patayin sa probinsya ng Cotabato.

Nakila ang biktima na si alyas Nika, 33, may asawa at residente ng Purok 8, Poblacion, Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Tulunan chief of police, Major Jun Napat, sinabi ng isa sa mga kaanak ng nasawing biktima na mag-isa lang ito sa kanyang bahay at naglalaba, nang halayin at patayin ng suspek.

Nagkataon naman na wala ang asawa nitong nagsasaka na nasa ibang lugar nang mangyari ang krimen.

Hindi pa nakontento ang salarin, matapos gahasain ang biktima ay sinaksak pa ito ng maraming beses sa ulo at mukha.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nakarinig umanong sigaw ang mga kapitbahay pero hindi ito masyadong napansin dahil mahina ang kanilang pagkarinig.

Nang umuwi ang menor de edad na anak ng biktima ay doon na nito nadiskubre ang duguan at wala ng buhay n akanyang ina kaya agad itong nagsumbong sa mga kamag anak.

Sa ngayon ay may person of interest na ang Tulunan PNP na posibleng may kinalaman sa panggagahasa at pagpatay sa biktima.