-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Umakyat na sa 33 barangay ang nakakaranas ngayon ng pagbaha dahil sa pag-ulang dulot ng severe tropical storm “Liwayway” at habagat sa lalawigan ng Pampanga.
Ang mga barangay na ito ay mula sa bayan ng Masantol, Macabebe at San Simon na nakakaranas ng hindi bababa sa isa hanggang tatlong talampakang taas na baha.
Nakapreposition na ang kanilang Disaster Response Equipment habang nakastand-by ang mga tauhan ng kanilang Pampanga PDRRMO Operation center.
Patuloy naman ang kanilang pag-papaala sa mga residente lalo na sa mga nakakaranas ng pagbaha na lumikas kung kinakailangan.