CAUAYAN CITY – Mahigit 30 drug personalities na sumailalim sa Community Base Rehabilitation Program (CBRP) ang nagtapos sa Balay Silangan sa Balintocatoc, Santiago City.
Ang programa ay pinangunahan ng City Anti-drug Abuse Office habang dinaluhan naman ng mga matataas na pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency, mga matataas na pinuno ng Santiago City Police Office, mga pinunong lokal ng Santiago City, mga pastor, ilang opisyal ng barangay at mga kamag anak ng mga nagtapos.
May kabuuang 33 ang nagtapos na nabigyan ng certificate bilang patunay na sila ay sumailalim sa CBRP.
Sila ay nabigyan ng mga groceries at halagang P8,000 bawat isa na gagamitin nila sa paghahanap ng kanilang trabaho o kaya naman ay gagamitin nila para sa pagsisimula ng negosyo.
Maaari rin silang mag-aral sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at maaari rin silang pumasok sa trabaho na iniaalok ng LGU Santiago City.