-- Advertisements --

Nasa 33 residente ng Maynila ang inaresto dahil sa paglabag sa curfew.

Karamihan sa mga dito ay mga kalalakihan na may edad 20 pataas, apat na kababaihan at ilan ay mga senior citizens.

Dinala ang mga ito sa covered court at ipinanood ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na video.

Sinabi ni Sampaloc Police chief Lt. Col. John Guiagi na mula ng magsimula ang curfew ay hindi bababa sa 800 na mga individual ang kanilang naaresto dahil sa paglabag sa curfew.