-- Advertisements --

Patay ang 33 Palestinians kabilang ang 13 bata sa Gaza dahil sa rocket attacks na isinagawa ng Israel.

Dahil sa pangyayari ay pumalo na sa 181 ang kabuuang nasawi at 52 dito ay mga bata mula ng sumiklab ang labanan noong nakaraang Lunes.

Dumarami naman ang mga world leaders na nananawagan sa pagpapatigil ng kaguluhan ng dalawang bansa.

Nauna ng sinira ng Israel sa pamamagitan rin ng missile attack ang isang gusali sa Gaza City kung saan nanunuluyan ang mga US Associated Press at Qatar-based Al Jazeera media operations.