-- Advertisements --

Tatlumpu’t tatlong karagdagang Pilipino sa ibayong dagat ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs, umakyat pa ang kabuuang bilang ng mga overseas Filipinos na nagpositibo sa COVID-19 sa 13,938.

Nasa 4,069 Pinoy din sa ibayong dagat ang kasalukuyan pang nagpapagaling sa mga ospital.

Samantala, iniulat ng DFA na nadagdagan ng 26 ang bilang ng mga gumaling mula sa deadly virus, kaya lumobo pa sa 8,919 ang recoveries.

Habang nasa 950 naman ang death toll makaraan madagdagan ng lima.

Naitala sa Middle East at Africa ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng mga Pinoy na nagkakasakit ng coronavirus.