-- Advertisements --
Nasa 33 katao ang patay matapos tamaan ng kidlat sa Lucknow, India.
Ayon sa state disaster relief official, na bukod sa mga nasawi ay mayroon pang 13 iba pa ang nasugatan ng tumama ang kidlat sa Uttar Pradesh sa north India.
Nasira din ang may 20 kabahayan dahil sa lakas ng kidlat.
Tiniyak naman ni Uttar Pradesh chief minister Yogi Adityanath na makakatanggap ng tig-$6,000 ang mga pamilya ng nasawi dahil sa insidente.