-- Advertisements --

Hired on the spot ang nasa 33 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa one-day special job fair na inilunsad ng Department of Labor and Employment sa lungsod ng Parañaque at Makati.

Aabot ng 340 Pogo workers ang nagpa-register para lumahok sa special job fairs ng ahensya. 
Kasabay nito, sa kabuoan, nasa 186 jobseekers ang natanggap sa trabaho sa simultaneous job fairs.

Matatandaan libo-libong pinoy POGO workers ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga POGO hubs sa bansa alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na wakasan na ito.