Aabot na sa 33 produkto ang nagsumite ng kanilang request sa Department of Trade and Industry (DTI) para magkaroon ng adjustment sa kanilang presyuhan.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nire-review na ng kanilang Consumer Protection Group ang requests na ito para matukoy kung magkano ba ang itataas sa presyuhan kung sakali man.
Bago kasi aniya makapagtaas ng presyo ang mga manufacturer ay dumadaan muna ito sa DTI.
Aminado ang kalihim na may paggalaw na sa presyo ng ilang bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Pero para makapagpatupad ng bagong suggested retail price (SRP), sinabi ni Lopez na kailangan muna i-compute ang cost of production, gayundin ang presyo ng raw materials at kailangan ding mapatunayan muna na tumaas ang cost bago magkaroon ng bagong SRP.