-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tatlumpu’t tatlo sa 35 persons under investigation (PUIs) sa Western Visayas ang nagnegatibo sa coronavirus disease (COVID)-19.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Mary Jane Juanico, pinuno ng Infectious Disease Section ng Department of Health (DOH)-6, sinabi nito na dalawang senior citizens sa Capiz ang patuloy na inoobserbahan.
Ayon kay Juanico, ang isang pasyente ay 65-anyos na babae habang 75-anyos naman ang lalaking pasyente.
Inihayag ni Juanico na ang dalawang senior citizens ay may travel history sa Taiwan na isa sa mga lugar na apektado ng nasabing virus.
Sa ngayon ayon kay Juanico, patuloy pa rin ang monitoring ng DOH sa mga pasahero na galing sa ibang bansa.