-- Advertisements --

Isang malawak na sunog ang sumiklab sa isang gas pipeline na pinapatakbo ng state energy firm na Petronas sa Puchong, malapit sa Kuala Lumpur, nitong Martes, Abril 1, na ikinasugat ng 33 katao.

Anim sa mga nasugatan ay dinala sa ospital.

Habang patuloy ang operasyon upang patigilin ang apoy, at kasabay ding iniulat ang mga taong na-trap sa kanilang mga tahanan sa Kampung Kuala Sungai Baru.

Kinumpirma ito ni Mohd Najwan Halimi, chairman ng Selangor Disaster Management Committee at sinabing nagpapatuloy ang kanilang operasyon hinggil sa lawak ng pinsala sa mga residential area.

Samantala makikita sa mga imahe at video na kumalat sa social media, ang malalaking apoy at makapal na usok na mula sa pipeline.

Sinabi naman ng fire department sa Malaysia nagmula ang sunog sa isang tumagas na bahagi ng isang 500-meter na pipeline.