-- Advertisements --
Sugatan ang nasa 33 katao matapos ang pagguho ng sidewalk sa Joinville, Brazil.
Naganap ang insidente sa isang Christmas festivities kung saan nahulog ang mga tao sa ilog.
Dinala na agad sa pagamutan ang 21 may edad na at 12 mga bata kung saan wala namang nagkaroong matinding injury.
Dahil sa pangyayari ay naantala ang programa bago ito muling itinuloy matapos na madala sa pagamutan ang mga biktima.
Nagsagawa na rin ng inspections ang mga otoridad sa lugar kung ano ang sanhi ng pagguho ng bangketa.