-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ni Cebu City Police Office Director Police Colonel Ireneo Dalogdog, na may 330 [tatlong daan at tatlumpu] na mga police personnel mula sa lungsod ng Cebu ang mare-reassign sa Negros Oriental.

Ito’y kasunod sa direktiba ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. na pagbalasa sa lahat ng mga kapulisan sa Bayawan City, sa Negros Occidental.

May kaugnayan ito sa naganap na pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay Colonel Dalogdog na karamihan sa mga ililipat sa Negros Oriental ay mga patrolman, patrolwoman sa City Mobile Force Company, at sa mga police stations.

Inamin naman nito na maaapektohan ang kanilang operasyon ngunit magpapatuloy ang kanilang trabaho at magkakaroon lamang ng mga adjustments.

Gayunpaman, ang mga nasabing police personnel ng Cebu City Police Office ay papalitan naman ng mga pulis na tatanggalin sa Negros Oriental kaya wala namang mababakante sa hanay ng pulisya dito sa lungsod ng Cebu.