Aabot na sa 335 ang bilang ng mga Pilipino ang nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) habang nasa ibang bansa.
As of 29 March 2020, a total of 335 OFs from the following regions have been confirmed COVID-19 positive: Asia and Pacific, Europe, Middle East/Africa, and Americas; of which 144 are DOH IHR verified, 55 are new cases, and 220 are undergoing treatment reported since yesterday. pic.twitter.com/EC4dGM32vk
— DFA Philippines (@DFAPHL) March 29, 2020
Batay sa inilabas na data ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakapaloob sa nasabing bilang 111 recoveries at 220 na kasalukuyang nasa ilalim ng treatment.
Samantala, may apat namang namatay. Ang dalawa ay mula Europe, habang ang dalawang iba pa ay nasa Asia-Pacific at Middle East-Africa region.
Nasa 30 bansa at rehiyon sa buong mundo na raw ang may kaso ng Pilipinong infected ng pandemic virus.
Karamihan sa kanila ang nagta-trabaho at nakatira sa Asia-Pacific, sumunod ang Europe at Middle East-Africa.
Sa Amerika naman, 29 Pilipino ang kumpirmadong positibo sa COVID-19.