MANILA – Aabot na sa 33,823 residente ng Pasig City ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
DOH holds press briefing. Mayor Vico Sotto gives updates on Pasig City's COVID-19 response and plans for vaccination. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/4SKuuNiTXO
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 30, 2021
Batay sa report ni Mayor Vico Sotto, 31,191 sa mga ito ang naturukan ng unang dose. Habang 2,362 ang “fully vaccinated” na o nabigyan na rin ng ikalawang dose.
Tinatayang 12,610 healthcare workers na ang nabakunahan ng first dose sa ilalim ng Pasig City COVID-19 Vaccination Program. At 2,630 ang nabigyan ng second dose.
Sa hanay naman ng mga senior citizen, mayroon nang 14,712 na nabakunahan ng unang dose, pero wala pang nabibigyan ng second dose.
Samantalang 3,869 na may comorbidity o may ibang sakit ang naturukan na rin ng first dose. Dalawa pa lang ang nakaka-kumpleto ng second dose.
“The willingness of Pasigueños (to be vaccinated) has slowly been increasing. I think especially as we seen our doctors and healthcare workers getting vaccinated, tapos nakikita ng mga kababayan okay naman sila, nagiging maganda (yung lagay nila),” ani Sotto.
Ayon pa sa alkalde sumasailalim din sa IgG test ang kanilang mga medical frontliners na nagpabakuna, para makita kung paano umepekto ang COVID-19 vaccines.
“Mini-measure namin yung iba sa aming mga laboratory, tumataas yung IgG nila, nagkakaroon sila ng antibodies so we know the vaccines are really effective.”
Mayroong 16 na vaccination sites ang lungsod, ayon sa alkalde. Karamihan daw sa mga ito ay itinayo sa loob ng mga pampublikong eskwelahan.
“We have one new site, that is a result of our public-private partnership with The Medical City.”
TINGNAN: Binisita ng City Government ng Pasig, Department of Health, at Department of the Interior and Local Government…
Posted by Pasig City Public Information Office on Monday, April 26, 2021
Hanggang 80-personnel ang naka-deploy sa bawat vaccination site.
Naglaan naman ng “mini-emergency room” ang local government unit sa naturang vaccination sites, sakaling may mga maitalang kaso ng serious adverse events matapos mabakunahan.
“Thankfully, we really haven’t have to use it. So far wala namang adverse events following immunization, but just in case, we’re ready.”