-- Advertisements --

Itinuturing na ang 34-anyos na flight attendant mula sa Martinique sa French Caribbean island ang pinakamatandang nagwagi ng Miss France pageant.

Si Angelique Angarni-Filopon ay nagwagi ng nasabing titulo matapos na baguhin ng organizers ang panuntunan na maaring makasali ang may edad na higit 24 ganun din ang mga may-asawa o ina.

Noong 2011 ay nagwagi na si Angelique nagwagi bilang first runner up ng Miss Martinique competition kung saan 20-anyos pa lamang siya noon.

Mayroong kabuuang 30 kandidata ang lumahok maging mga doctors at dentista ang kasali sa finals.

Nagpatalbugan ang mga ito sa swimsuits, regional costumes at ballgowns.

Irerepresent na ni Filopon ang France sa Miss Universe pageant para sa susunod na taon.