-- Advertisements --
Mula sa 1,474 kahapon, tumaas sa 2,227 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 2,826,410. ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 3,152 na bagong recoveries kung saan nasa 2,758,235 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 47,074 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng 175.