-- Advertisements --
Namataan ang 34 na barko ng China sa tatlong lokasyon sa West Philippine Sea (WPS) mula Oktubre 7 hanggang 13 ayon sa Philippine Navy.
Ang mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) ay namonitor sa Ayungin Shoal, Sabina o Escoda Shoal, at Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Sa isang pahayag, sinabi ng PH Navy na tahasang pagbalewala sa 2016 Arbitral Tribunal ruling ang patuloy na iligal na presensiya ng mga barko ng China sa WPS at nilalabag ang ating soberaniya.
Binibigyan diin din nito ang pangangailangan para ipagpatuloy ang pagsasamoderno sa defense at security capabilities ng AFP.
Nananatili din aniyang committed ang AFP sa pagtataguyod ng international law at pagtatanggol sa integridad ng ating national territory.