-- Advertisements --
Hindi bababa sa 34 ang mga kumpirmadong namatay matapos matabunan ng lupa ang malaking bahagi ng highway dahil sa landslide sa Northwestern Colombia.
Ayon sa National Disaster Risk Management Unit, na-identipika na ang labing pito katao dito habang patuloy na ina-identipika ang labing pitong kabilang sa nangyaring insidente.
Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad, kung saan nasa 35 na ang mga nailigtas at dinala sa ospital.
Nabatid na ang landslide ay bunsod ng malakas na pag-ulan na tumama sa bayan ng Quibdo at Medellin.
Samantala, tiniyak naman ni Colombian President Gustavo Petro ang tulong sa pamilya ng mga nasawi.