-- Advertisements --
Boat on fire
coastguard rescue

Nasa 34 katao ang nawawala matapos ang pagkasunog ng barko sa Southern California sa Channel Island National Park.

Ayon sa Captain Monica Rochester, US Coast Guard Los Angeles Long Beach Sector Commander, mayroong kabuuang 39 katao ang nasa loob ng barko kung saan lima ang nakatalon sa tubig habang ang karamihan ay nasa ilalim ng deck at natutulog.

Dinala agad sa pagamutan ang mga nakaligtas na crew ng barko.

Nagpadala na ng rescue at investigator ang National Transportation Safety Board sa nasabing lugar.

Lumubog ang barko sa may lalim na 54-talampakan.