-- Advertisements --

Umabot sa 34 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha at landslides sa Rio de Janeiro, Brazil.

Ilang araw kasi na nakaranas ng pag-ulan ang Petropolis City na nagbunsod sa pagguho ng mga lupain.

Hindi pa tiyak naman Riio de Janeiro Fire and Civil Defense Department kung ilang katao ang nawawala.

Maraming mga kabahayan at sasakyan ang natabunan sa nasabing landslides.
Dahil dito ay inilagay ang state of public calamity sa Petropolis.

Binisita ni Governor Claudio Castro ng Rio de Janeiro ang Petropolis at tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.