-- Advertisements --

Nasa 34 katao ang patay matapos na sila ay pagbabarilin ng armadong grupo sa Ethiopia.

Ayon sa Ethiopian Human Rights Commission, pawang mga pasahero ng isang bus ang mga biktima sa insidente na naganap sa Benishangul-Gumuz region.

Inaasahan na madagdagan pa ang bilang ng mga masasawi dahil maraming mga biktima pa rin ang nasa malubhang kalagayan na itinakbo sa pagamutan.

Magugunitang noong Setyembre ay 45 katao rin ang patay sa naganap na pang-aatake ng mga armadong kalalakihan.