Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw na nasa 34 na volcanic earthquake kabilang ang isang tremor event na tumagal ng isang minuto ang nadetect mula sa bulkang Mayon.
Base sa latest bulletin ng ahensiya, nasa 144 rockfall events at 1 pyroclastic density current event ang naitala sa bulkan.
Naitala din ang patuloy na mabagal na pag-agos ng lava mula sa crater ng bulkan na umaabot sa 3.4 kilometers sa may Bonga Gully, umaabot naman ng 2.8 meters sa may Mi-isi Gully at 1.1 kilometers sa Basud Gully.
Naobserbahan din ang pagguho ng lava flow margins at sa ng summit dome gayundin ang deposited debris ay nasa loob ng 4 kilometers mula sa crater ng bulkan.
Nagbuga naman ng sulfur dioxide ang bulkan na nasa average na 875 tonnes per day nitong araw ng Miyerkules.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakataas sa Alert level 3 ang bulkan na nangangahulugang nasa mataas na lebel ng unrest at may posibilidad ng mapanganib na pagsabog ng bulkan.