-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpiska ng mga otoridad ang 340 kilos na pork skin sa isang terminal ng bus sa lungsod ng Laoag na hinihinalang kontaminado ng African swine fever (ASF).

Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Miss Shiela Rapatan de Leon, pinuno ng slaughter house sa lungsod, walang kaukulang dokumento ang mga pork skin na galing sa Sampaloc, Manila at ang consignee nito ay si Alfred Rambaud na taga-Paoay, Ilocos Norte.

Sinabi ni De Leon na agad nilang ibinaon sa lupa ang mga pork skin at binuhusan ng disinfectant at crude oil.

Dagdag ni de Leon na hindi pa nila nakakausap ang consignee dahil wala umano ito sa Ilocos Norte.

Una rito, iniutos ng provincial government ang mahigpit na pagmonitor sa mga pumapasok na karne ng baboy sa lalawigan para masigurado na hindi makapasok ang ASF virus sa lalawigan.