CENTRAL MINDANAO-Naghigpit ngayon ng seguridad ang tropa ng 34TH Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Edgardo Vilchez Jr sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.
Ito ay may kaugnayan sa pinatutupad na Comelec Gunban sa nalalapit na halalan at banta ng mga terorista.
Lahat ng mga dumadaan sa mga Army,Cafgu at PNP Checkpoint ay hinahanapan ng IDs at sinusuri ng mabuti para hindi makalusot ang mga masasamang indibidwal o grupo.
Humihingi ng pasensya o unawa si Colonel Vilchez sa mahabang pila sa mga Army,Cafgu at PNP Checkpoint dahil para ito sa seguridad ng taumbayan.
Lahat ng mga dumadaang motorsiklo ay kailangang buksan ang u-box at may legal ID kagaya ng drivers license at iba pa.
Matatandaan na may nahuli na sa ibang lugar sa probinsya ng Cotabato dahil sa paglabag sa Comelec Gunban.
Pananawagan ni Colonel Vilchez sa mga dumadaan sa kanilang checkpoint na habaan ang pasensya,ihanda ang mga Indentification cards at sumunod sa batas.