-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakakustodiya ngayon sa mga otoridad at nakatakdang dumaan sa psychiatric examination ang isang 35-anyos na lalaki na suspek sa pananaga-patay sa kaniyang ina a 70-anyos sa San Ramon East, Manabo, Abra.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang suspek na si Ramos Carpio Miguel samantalang ang biktima naman ay si Leonida na isang biyuda at kapuwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Manabo municipal police station, nagsasampay ng kaniyang nilabahang damit si leonida nang lapitan ng kaniyang anak at walang habas na pinagtataga ang leeg at kanang balikat nito.

Kaagad na naitakbo sa pinakamalapit na ospital ang biktima ngunit idineklerang dead on arrival.