-- Advertisements --
APanganiban preggy 2
iamangelicap
Ay! Na post!! 🤰
Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. 🥲🥲🥲
Opo, may matres ako mga baklaaah! 😬 ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu 😭 may pamilya na ko 😅 kaiyaq pramis 😂

Masayang inanunsyo ni Angelica Panganiban na sa wakas ay natupad na ang pangarap nito na maging isang ina.

Sa kanyang post ngayong araw ng Linggo, sinabayan nito ng biro ang pagsasapubliko sa kanyang pagbubuntis kung saan napatunayan na mayroon daw siyang matris o bahay-bata.

Ibinahagi rin nito ang larawan nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan kalakip ang
sonogram o ang computer picture ng kanilang supling. Mayroon ding video ng heartbeat ng sanggol na ang petsa ay February 18, 2022

Kung maaalala, kasabay ng New Year 2021 nang unang magpahiwatig ang 35-year-old actress na mayroon itong bagong pag-ibig sa pamamagitan ng pag-post ng kissing photo nila habang nasa beach sa Zambales.

Hindi pa niya pinangalanan noon ang kasintahan na wala sa show business, pero ito ay napag-alaman na foreigner, may-ari ng isang kompanyang nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng boats at water crafts sa Subic.