-- Advertisements --

Patay ang 35 na mga bata habang anim na iba pa ng sugatan matapos ang naganap na stampede sa isang kasiyahan sa southwest Nigeria.

Naaresto na ng mga otoridad ang walong katao na sangkot pangyayari na naganap sa Islamic school sa Ibadan City.

Kabilang sa mga naaresto ang sponsor na nasa likod ng nasabing kaganapan.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, na nagsagawa ng programa ang Women in Need of Guidance and Support (WING) kung saan inaasahan nilang mayroong mahigit 5,000 na mga bata ang sumali na may edad 13 pababa kung saan mananalo sila ng premyo gaya ng scholarships.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Nigerian President Bola Tinubu sa mga kaanak ng mga biktima.

Tiniyak naman nito na sila ay magsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.