-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Bumaba ng tinatayang 46% ang firecracker related incidents sa lalawigan ng Pangasinan sa pagsalubong ng bagong taong 2020.

Ayon sa tala ng PHO, mula December 21 hanggang January 1 umaabot sa 41 ang naitalang firecracker related incidents mas mababa sa 76 na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

Samantala, ang firing incident ay isa lang, dati ay apat at walang stray bullet incident kumpara sa dalawang naitala noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni PNP provincial director police Col. Redrico Maranan ang lahat ng pulis.

Kinilala ni Maranan ang sakripisyo ng kapulisan upang mapababa ang bilang ng mga biktima.

Ang mga biktima ay edad anim na taong gulang hanggang 45-anyos na karamihan ay mga lalaki.

May 10 kaso naman ay dahil sa kwitis, walo dahil sa luces, five star may walong kaso, nasa apat dahil sa fountain, isang kaso dahil sa boga, watusi at goodbye Philippines, may tatlong kaso dahil sa bawang, dalawa naman bunsod ng whistle bomb at tatlo sa hindi pa malamang uri ng paputok.

Ang mga naapektuhang parte ng pakatawan ay kamay, ulo, paa at tuhod, abdomen, balikat, mata, likod at dibdib.