Pinangunahan ng US Defense Threat Reduction Agency (DTRA) International Counterproliferation Program (ICP) ang isang maritime security training na layong palakasin ang hakbang ng Pilipinas para labanan ang maritime trafficking of hazardous chemical, biological, radiological, and nuclear (CBRN) materials.
Nasa 35 na mga Filipinos mula sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan ang sumailalim sa training partikular sa pagtukoy, pag-target sa mga ipinagbabawal na sasakyang-dagat at mga kargamento na nagpapatakbo ng mga mapanganib na bahagi ng weapons of mass destruction (WMD) sa iba’t ibang maritime domain.
Kasama rin sa pagsasanay ang mga aktibidad na “train-the-trainer” upang mapanatili ang mga pagsisikap ng mga ahensya sa pagtukoy ng mga puwang sa pagpapatakbo ng seguridad sa dagat at doktrina.
Ang mga kalahok na participants ay mula sa Department of Trade and Industry’s Strategic Trade Management Office, Department of Transportation’s Office for Transportation Security, Bureau of Customs, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority, Presidential Office for Maritime Concerns, Philippine Nuclear Research Institute, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at Philippine National Police Maritime Group.
Lubos naman ang pasasalamat ni Director Jose Embang, Jr. ng CBRN office of the Philippines’ Anti-Terrorism Council Program Management Center (ATC-PMC) sa DTRA sa suporta at pagtulong sa Pilipinas na pinuhin ang mga pamamaraan sa pagsubaybay at mga pamamaraan ng pagtugon para sa mga potensyal na mapanganib na hindi awtorisadong materyales na natuklasan sa mga daungan.
Naniniwala si Embang na ang nasabing mga pagsisikap ay nakakatulong sa pambansa at pandaigdigang seguridad.
Ayon kay Defense Threat Reduction Agency Chief Nicholas DeDominici mula sa US Embassy dito sa Pilipinas na kanilang pinapahalagahan ang matagal ng partnership sa Pilipinas partikular sa Anti-Terrorism Council Program Management Center.
Ang workshop ay bahagi ng pagsisikap ng DTRA na tumulong na palakasin ang interagency cooperation sa loob ng mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas; pagbutihin ang kanilang mga kakayahan upang kontrahin ang paglaganap ng Weapons of Mass Destruction at tumugon nang napapanahon at epektibo sa mga insidente ng seguridad sa dagat.; at palakasin ang kooperasyong U.S.-Philippine sa pagsuporta sa isang ligtas, maunlad, malaya, at bukas na Indo-Pacific.